-- Advertisements --
Hindi nagbabago pa rin ang posisyon ng gobyerno kapag tuluyan ng tinanggal ang mga Philippine Offshore Gaming Operations or POGOs.
Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno, na walang gaanong magiging epekto sa bansa kapag tuluyan ng tinanggal ang mga POGO.
Nais din nito na dapat hindi na mabigyan ng visa ang mga Chinese operators ng hindi na mag-operate sa bansa.
Magugunitang isinulong ng mga mambabatas ang tuluyan ng pagtanggal ng mga POGO sa bansa dahil sa pagkakasangkot nila sa ilang krimen sa bansa.
Una ng hind pabor ang kalihim sa pagtanggal sa mga POGO sa bansa dahil sa nakakatulong ang kita nito sa bansa.