-- Advertisements --

Naglaan ang 7.7 milyon na international arrivals target para sa 2024 ang Department of Tourism.

Sinabi ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, na bagamat ito ay mas mababa sa 8.2 milyon na target noong 2019 ay maituturing na ito ay isang hakbang para makabalik sa pre-pandemic levels.

Pagtitiyak ng kalihim na kanilang isusulong ang mga iba’t-ibang programa para maabot ang nasabing target.

Pinasalamatan din nito ang mga local at international tourist na nagtungo sa bansa ngayong 2023.

Magugunitang nalagpasan na ng ahensiya ang tourist arrival ng 2023 na umabot na sa mahigit 5 milyon mula sa kanilang target na 4.8 milyon.