CENTRAL MINDANAO-Nagbalik-loob sa gobyerno ang isang lider ng mga terorista sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala itong si alyas Nodz, Deputy Chief of Staff ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa ilalim ng Karialan faction.
Sumuko si Kumander Nodz sa tropa ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion Philippine Army sa Ampatuan Maguindanao.
Dala ng Defuty Chief of Staff ng BIFF sa kanyang pagsuko ang isang M14 rifle, mga bala at mga magazine.
I-prenesenta naman kay Ist Mechanized Brigade Commander Colonel Ferdinand Lacadin at Shariff Aguak Mayor Engr Marop Ampatuan ang sumuko BIFF na nais ng magbagong buhay kasama ang kanyang mahal na pamilya.
Matatandaan na una ng sumuko ang 42 BIFF noong nakalipas na linggo na mga tauhan ni Kumander Nodz.
Sinabi ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy na sunod-sunod na sumuko ang mga rebelde dahil sa pinaigting na focused military operation sa kuta ng mga terorista sa Maguindanao.
Hinikayat naman ni MGen Uy ang ibang BIFF na sumuko na at mamuhay ng mapayapa.