CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi isinantabi ng Deputy House Speaker at Misamis Occidental 2nd District Rep Henry Oaminal na maaring ang nakabangga na nito na suspected druglords at syndicated criminals ang nais magpatumba sa kanya noong nasa kasagsagsan sila ng kanilang Christmas party sa Tangub City.
Panibagong pahayag ito ng kongresista na tumakbong pagka-gobernador laban sa dating alyado nito na si incumbent Misamis Occidental Governor Philip Tan kaugnay sa pangyayari na nagresulta sa pagkasawi ni Lopez Jaena Mayor Michael Gutierrez noong gabi ng Disyembre 22,2021.
Sinabi ni Oaminal na hindi rin lumalayo ang nabanggit na posibilidad dahil aminado na ilang malalaking illegal drug groups ang kanyang nakabangga na kumikilos sa kanilang lalawigan.
Bagamat hindi binanggit ng kongresista kung sino ang mga ito subalit tanging open book na kumikilos sa kanilang probinsya ay ang grupong Parojinog na nabuwag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan sa madugo na operasyon ni dating Ozamiz City Police Station commander Lt Col Jovie Espenido.
Ginawa ito na paglilinaw ng mambabatas alinsunod sa mga kumakalat na usap-usapan na maaring ang katunggali nila sa politika ang nasa likod ng kremin subalit una na rin na pinabulaanan ng kabilang kampo.