-- Advertisements --

Naaresto ng Iraqi forces si Sami Jasim ang deputy ni dating ISIS leader Abu Bakr al-Baghdadi.

Kinumpirma ito ni Iraqi Prime Minister Mustafa Al-Kadhimi subalit hindi na ito nagbigay pa ng karagdagang impormasyon sa pagkahuli kay Jasim.

Si Jasim o kilala din sa pangalang “Abu Asya” ay nagsilbing financial supervisor ng terrorist group sa pamumuno ni Al-Baghdadi mula pa noong taong 2015.

Itinuring din siya sa taong iyon ng US Treasury Department bilang “Specially Designated Global Terrorist.”

Taong 2019 ng mag-alok ang US State Department ng reward na $5 milyon para sa pagkakaaresto kay Jasim at dalawa pang senior ISIS leaders.