CEBU CITY – Iniimbestigahan na ang pagkamatay ng acting deputy chief ng Cordova Police Station matapos itong tambangan malapit sa isang paaralan sa Brgy. Poblacion, Cordova, Cebu.
Binaril umano ng hindi pa nakilalang mga riding-in-tandem ang biktimang si P/CMSgt. Deogenes Carillo.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, nagmamaneho si Carillo pauwi sa kanilang bahay nang sinundan ito ng riding-in-tandem at binaril ito nang makailang beses.
Ikinalulungkot naman ng hepe ng Cordova Police Station na si P/Capt. Efren Diaz Jr. ang sinapit ni Carillo.
Ayon kay Diaz na may negosyong pautang si Carillo habang nagsisilbi ito bilang police officer.
Dagdag pa ni Diaz na kakausapin nya ang pamilya ng acting deputy chief para sa karagdagang background information nito.
Samantala, kinumpirma ng spokesperson ng Cebu Provincial Police Office na si Police Lieutenant Col. Eleveo Marquez na nasa drug watchlist ni Pangulong Duterte si Carillo.
Sinabi ni Marquez na nakadestino dati ang acting deputy chief sa Naga City Police Station at kinalaunay na-reassign ito sa hindi malinaw na dahilan.
Inaalam pa ngayon ng PNP ang motibo ng naturang ambush incident.