-- Advertisements --
Nakatakdang bumisita sa bansa si New Zealand Deputy Prime Minister Winston Peters ngayong linggo.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, na sa official visit ni Peters na siya ring Foreign Affairs Minister ng New Zealand ay makakapulong nito si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.
Tatalakayin ng dalawa ang pagpapalakas ng bilateral relations, at ang pagpapalalim ng kooperasyon sa defense, ekonimiya, renewable energy at people-to-people linkages.
Magugunitang noong Abril ay nakasalamuha ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si New Zealand Prime Minister Christoper Luxon sa Malacanang at tinalakay nila ang tumitinding tensiyon sa West Philippine Sea.