Naghain na ng kandidatura si Las Piñas City representative at Deputy Speaker Camille Villar ngayong ika-apat na araw ng filing ng certificate of candidacy (COC).
Isinagawa ito sa Tent City ng Manila Hotel, na pansamantalang tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) para sa aktibidad na ito.
Pasado alas-10 ng umaga isinumite ni Villar ang kaniyang COC.
Kasama ng kongresista ang kaniyang ama na si dating Senate President Manny Villar at kapatid na si Sen. Mark Villar.
Sinabi ng deputy speaker sa kaniyang talumpati na nais niyang magkaroon ng “new politics” sa kabila ng senador ngayon ang kaniyang kapatid na si Mark at inang si Cynthia Villar, habang naging senador din ang kaniyang ama at naging pinuno pa ng kapulungan mula July 24, 2006 hanggang November 17, 2008.