-- Advertisements --

edca1

Nananawagan si Deputy Speaker at 6th District Batangas Rep. Ralph Recto sa defense department na isapubliko ang karagdagan pang apat na EDCA ( Enhanced Defense Cooperation Agreement ) sites ng Estados Unidos sa bansa na layong palakasin pa ang kooperasyong militar sa pagitan ng PH at US troops.

Sa pagbisita ni US Defense Secretary Lloyd Austin sa tanggapan ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr. sa Camp Aguinaldo ay inianunsyo ng mga opisyal ang pagdadagdag pa ng apat na EDCA sites sa bansa.

Sa kasalukuyan ay may limang EDCA sites na kinabibilangan ng Cesar Basa Air Base sa Pampanga, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Lumbia Air Base sa Cagayan de Oro, Benito Ebuen Air Base sa Cebu at ang Antonio Bautista Air Base sa Palawan.

Ayon sa beteranong mambabatas, ngayong naging siyam na ang bilang ng EDCA bases sa bansa dapat lamang na bigyan ng briefing ang Congress ukol dito at sabihin sa publiko kung saan matatagpuan ang apat na iba pa.

Binigyang-diin ni Recto na dapat rin aniyang ihayag ng pamahalaan kung ano ang mga benepisyo na makukuha ng bansa sa EDCA 9 sites.

Kinuwestiyon din ng mambabatas ang nagng pahayag ni Austin na nais nitong madaliin ang implementasyon ng EDCA.

Nais din ng mambabatas kung ano ang dahilan sa expansion ng EDCA sites.

Gayunpaman, una nang sinabi ng Defense officials sa bansa ang mga lugar ng Zambales, Cagayan , Isabela at Palawan, pawang mga istratehikong lugar na nakaharap sa China, Taiwan at Korean Peninsula ang mga inirekomendang karagdagan pang EDCA bases.