-- Advertisements --

Umatras na sa Senatorial bid si Deputy Speaker Rodante Marcoleta ilang araw na lamang bago ang araw ng eleksiyon sa Mayo 9.

Sa isang statement, inanunsiyo ni Marcoleta ang dahilan ng kaniyang pagatras, isa na dito ang pagiging huli umano nito sa mga surveys.

Pinasalamatan naman ni Marcoleta si Pangulong Rodrigo Duterte sa paghikayat nito na tumakbo bilang senador, sa pagtitiwala at pag-eendorso sa kaniya ng pangulo kasama na ang PDP-Laban at People’s Reform Party na nag-adopt sa kaniya kamakailan bilang kanilang senatorial candidate.

Nagbigay pugay din si Marcoleta sa Uniteam sa pagsama sa kaniya sa kanilang senatorial slate.

Inihayag din ni Marcoleta na kaniyang tatanawin bilang panghabambuhay na utang na loob ang ipinakitang suporta ng daan-dang supporters at volunteers na naniwala sa kaniyang mga adbokasiya para sa ikabubuti ng lahat. Umaasa ito ng pang-unawa sa kaniyang naging desisyon.

Nilinaw din ni Marcoleta na patuloy pa rin ang kaniyang suporta para sa BBM-Sara tandem at sa lahat ng senador ng Uniteam at PDP-Laban sa kabila ng kaniyang pag-atras.