CAGAYAN DE ORO CITY – Nais ngayon ni House Deputy Speaker at Cagayan de Oro 2nd District Rep Rufus Rodriguez nga mag-counterpart cash prize giving para sa mapalad na mabubunot na pangalan ng mga partisipante sa nalalapit na pagsisimula nang pamimigay ng 3,300 commemorative radio sets ng Bombo Radyo Philippines katuwang ang cash prize epektibo Hulyo 5 hanggang 11 ng taong kasalukuyan.
Ito ay mayroong kaugnayan sa pagdiriwang ng Bombo Radyo Philippines ng ika-55 na taon na anibersaryo na unang nagsisimula sa syudad at probinsya ng Iloilo noong Hulyo 6,1966.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Rodriguez na nais lamang nito na masuklian ang mga naitulong rin ng network sa pamamagitan ng public service ng kanyang tanggapan sa loob na ng 14 na taon bilang mambabatas sa segundo distrito ng lungsod.
Sinabi ni Rodriguez na kung sasang-ayon ang top management ng Bombo Radyo Philippines ay nais nito magbigay rin ng tig-P1,000 cash upang madagdagan pa ang premyo ng mga mabunot na entry ng mga partisipante.
Nagpaabot na rin ito ng kanyang pagbati sa lahat ng mga bumubuo ng Bombo Radyo Philippines kaugnay sa 55th year anniversary na gugunitain sa darating na 6 ng Hulyo 2021.
Ang ‘Radyo Para sa mga taga- Cagayan de Oro:55th Bombo Radyo Anniversary’ ay pinagpondohan ng P3.2 million ng Network para sa radio sets at cash components kahit nasa gitna ng pandemya dala ng COVID-19 ang buong bansa higit isang taon na ang nakalipas.