-- Advertisements --

Naniniwala si bagong House Speaker Lord Allan Velasco na karapat-dapat si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano upang maging deputy speaker ng Kamara.

Ayon kay Velasco, maaaring mamili si Cayetano kung nais nitong ang committee chairmanship o ang deputy speaker position.

Nilinaw naman nito na hindi pa siya gagawa ng mga pagbabago sa committee chairmanships o deputy speakerships sa Kongreso dahil nais aniya nito na magkaroon ng pagkakaisa ang mga mambabatas.

Habang naka-recess ang Kamara ay titingnan muna nito ang committee memberships dahil minsan daw ay may mga mambabatas na maraming nakukuhang posisyon at nagiging unfair ito para sa ibang mambabatas.

Dito ay aalamin ni Velasco kung mayroong unfair appointments sa ibang komite ngunit kung wala naman ay mananatili sila sa kanilang mga posisyon.