No hard feelings si Derek Ramsay kasunod ng pagbunyag na hindi pala nila nasolo ni Ellen Adarna ang isa’t isa pagsapit ng gabi matapos ang kanilang pag-iisang dibdib.
Nabatid na mismong ang 33-year-old sexy actress ang nagbuking sa pamamagitan ng IG Story na kasama nilang natulog sa kuwarto ang kanyang ina kaya wala aniyang “aksyon” na naganap.
Bakas naman sa 44-year-old actor ang pagkagulat pero tila masaya pa rin naman matapos mag-post ng kissing photo nila ng celebrity wife habang magkayakap.
Kasabay nito ay nag-sorry kay Derek ang kanyang mother-in-law ngunit “walang say” kung bakit ito natulog kasabay ng pulot-gata sana ng newly weds.
Nitong November 11 o 11-11 nang ikasal sa Bataan ang dalawang kontrobersyal na artista na dinaluhan lamang ng kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.
Samantala, tahimik na ipinaabot ni Angelica Panganiban ang tila pagbati nito para sa long time ex boyfriend matapos nitong i-like ang ilan sa wedding pictures nina Mr. at Mrs. Ramsay.
Kung maaalala, kilalang papalit-palit ng girlfriend si Derek kung saan bago kay Ellen, huling nakarelasyon nito ang naka-love team na si Andrea Torres, at ang iba pa mula sa showbiz na sina Cristine Reyes, Solenn Heussaff, at wellness speaker na si Joanne Villablanca.
Sa panig naman ni Adarna, kabilang sa kanyang mga nakarelasyon bukod kay John Lloyd Cruz ay ang presidential son na si Baste Duterte.
Kapwa may anak na sa kani-kanilang mga “nakaraan” ang bagong kasal.