-- Advertisements --

Kinumpirma na ni Derek Ramsay na hiwalay na sila ng nobyang si Andrea Torres.

Isinagawa nito ang kumpirmasyon ng magkomento ang isa nitong follower sa social media.

Inakusahan kasi ng isang follower ang actress na mayroong third party kaya sila nag-hiwalay.

Ipinagtanggol ng actor ang dating nobya at nilinaw na walang sangkot na ibang tao o third party.

Ikinumpara pa ng isang followers nila sa dating nobya ng actor na si Joanne Villablanca na tumagal ng anim na taon pero naghiwalay din sila.

Nakiusap na lamang ito na irespeto na lamang ang dating nobya dahil desisyon aniya nila ang maghiwalay.

Hindi naman na binnaggit ng actor ang dahilan ng hiwalayan nila.

Magugunitang lumabas ang usapin ng hiwalaya na sila matapos na mapansin ng mga fans na kapwa sila nag-unfollow sa isa’t-isa sa social media.