-- Advertisements --

Walang intensyon si Derek Ramsay na palitan ang “fatherly figure” ni John Lloyd Cruz sa naging anak nito sa ex-girlfriend na si Ellen Adarna.

Ito’y matapos magdaos ng hiwalay na third birthday party ang mag-ex na sina Lloydie at Ellen para sa kanilang anak, na kapwa superhero theme na Spiderman.

Sa video ng 33-year-old sexy actress, makikita ang pakikipaglaro rin ni Derek sa celebrant, bagay na napuna ng ilang netizen na tila magiging mabuting ama rin daw ito sa bata.

Pero ayon sa 44-year-old actor, hindi tama ang ganoong komento lalo’t responsableng ama na mismo si John Lloyd.

“He is a great father to Elias and I am not trying to replace him as the father. Ellen is my fiancĂ©e and I love them both very much,” wika ni Ramsay.

Ellen son bday with JLoyd

Sa panig naman ni Lloydie, ka-jamming nito sa birthday bash para sa anak ang aktres na si Maja Salvador. Nabatid na nasa ilalim si Cruz sa pag-aaring talent management agency ni Salvador sa pagbabalik sa mundo ng showbiz.

Kung maaalala, engaged na sina Ramsay at Adarna kahit ilang buwan pa lamang bilang magkasintahan pero sinasabing ngayong taon na agad planong magpakasal.

Kapwa may anak na rin ang mga ito sa kani-kanilang nakaraan.

Madalas malagay sa “lime light” ang buhay pag-ibig ni Ramsay dahil daw sa image na pagkakaroon ng long time girlfriend pero nauuwi sa hiwalayan.

Bago kasi kay Ellen, huling nakarelasyon nito ang naka-love team na si Andrea Torres, at ang iba pa mula sa showbiz na sina Cristine Reyes, Solenn Heussaff, at longtime relationships sa aktres na si Angelica Panganiban gayundin sa wellness speaker na si Joanne Villablanca.

Napag-alaman na pinili ni Ellen na lumipat sa bahay ni Ramsay sa halip na bumalik ito sa kanyang home town sa Cebu.