-- Advertisements --

Pinag-iingat ni Derek Ramsey ang kaniyang mga fans sa isang poser o taong nagpapanggap bilang siya na kumukuha umano at bayaran ang serbisyo ng mga babae para sa party.

Sinabi ng actor, na matagal ng nangyayari ang nasabing kalakaran subalit hindi pa naaaresto ang nasa likod nito.

Dagdag pa nito na ipinaalam sa kaniya ng isang fans ang nasabing insidente at kaniyang itong ikinagulat.

Ibinahagi pa ng actor sa kaniyang social media ang screenshot ng text message ng nasabing transaksyon na gumagamit ng kaniyang pangalan.