-- Advertisements --

Ibinahagi ni Derek Ramsay na muntik na itong mabulag matapos ang pagtingin nito sa UV light na kaniyang inaayos.

Ayon sa actor, nagkaroon ng deperensya ang isa nilang UV light sa bahay kaya kaniya itong kinumpuni.

Nanood pa ito ng mga pelikula at naghapunan subalit nagising na lamang nito dakong alas-2 ng madaling at hirap na niyang maidilat ang mata.

Sinubukan pa nitong hugasan ang mata sa banyo subalit walang nangyari kaya nagpatulong na ito sa nobyang si Andrea Torres na dalhin siya sa pagamutan.

Nangamba ang actor na baka tuluyan na itong mabulag.

Sa ngayon ay naging aral na sa kaniya ang nasabing karanasan na huwag ng tumingin ng direkta sa mga UV light.