Tila unti-unti nang binibigyang-linaw nina Ellen Adarna at Derek Ramsay ang usap-usapang romantic relationship nila na nagsimula sa pagiging mag-kapitbahay lamang dati.
Ito’y matapos magkomento ang 44-year-old actor sa larawan nila na ipinost naman ng 32-year-old actress na crush daw niya ito.
Habang sa serye naman ng tinatawag na IG story ni Ellen, consistent ang presensya ni Derek lalo sa kanilang exercise session.
Pagbibigay diin ni Adarna, regular ang pagsailalim ng kanilang “small social bubble” sa swab test.
Nabatid na bago pa man ang love month ay nag-bonding na sila sa pamamagitan ng beach getaway, na nasundan pa mismo ng magkasama nilang pagdiriwang ng Valentine’s Day kasama ang two year old son kay John Lloyd Cruz.
Kamakailan lang nang maging kontrobersyal si Ramsay matapos ang paghihiwalay nila ng aktres na si Andrea Torres at na-link sa singer na si Pops Fernandez na mas matanda sa kanya.
Sa panig naman ni Adarna, kabilang sa kanyang mga nakarelasyon bukod kay Lloydie ay ang presidential son na si Baste Duterte.