-- Advertisements --

Feeling “honoured and grateful” si Derek Ramsay na “yes” ang nakuha nitong sagot kay Ellen Adarna matapos bitawan ang mga katagang “will you marry me?”

Isang araw matapos ang nasabing marriage proposal, emosyonal ang 44-year-old Fil-British actor sa pagpapasalamat kay Ellen na naging bukas para mahalin nila ang isa’t isa.

Ngayon aniya ay nararamdaman na niya ang totoong kahulugan ng pag-ibig, ito’y kahit pa magda-dalawang buwan pa lamang ang kanilang relasyon bilang magkasintahan.

“Since the day we first met @maria.elena.adarna the chemistry between us has been undeniable, its so strong that i have to catch my breath at times.

“I’ve always said that love is intangible, something you can’t see or touch…but now I believe otherwise,” ani Ramsay.

Sa panig naman ng bride to be at magdiriwang ng 33rd birthday sa darating na April 2, tila kinain nito ang hugot noong nakaraang taon na kailanman ay hindi papasukin ang married life.

Una rito, makikita sa engagement photos ang pagiging emosyonal ni Adarna nang suot na ang singsing, gayundin habang kasama na ang two year old son ni Ellen sa ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz, at ang binatilyo nang anak ni Derek sa ex-wife.

Ngunit kung may mga pagbati, hindi rin nakatakas ang soon to be husband and wife sa mga pagkwestyon ng ilang kritiko lalo’t magda-dalawang buwan pa lamang sila bilang magkasintahan.

May mga nagpustahan pa sa comments section kung hanggang kailan tatagal ang “smooth sailing stage ng kanilang relasyon,” dahil kilala raw si Ramsay sa papalit-palit ng girlfriend.

Bago kasi kay Ellen, huling naka-relashon nito ang naka-love team na si Andrea Torres, at ang iba pa mula sa showbiz na sina Cristine Reyes, Solenn Heussaff, at longtime relationships sa aktres na si Angelica Panganiban gayundin sa wellness speaker na si Joanne Villablanca.