-- Advertisements --

Nagkaroon umano agad ng tinatawag na spark noong unang bes na nagkrus ang landas nina Ellen Adarna at Derek Ramsay na naganap pagsapit pa lang ng unang araw ng 2021.

Isa lamang ito sa pahayag ni Derek kasunod ng pagkumpirma sa wakas na girlfriend na nga nito ang 32-year-old sexy actress.

Ayon sa 44-year-old actor, matapos ang New Year’s dinner party ay naging madalas na silang mag-bonding partikular tuwing work out session.

“May relasyon kami, oo. Sobrang laking spark. We just really are enjoying each other’s company. Sobra,” ani Ramsay sa pep.

Ngunit kahit hindi na dumaan sa ligawan stage, wala aniyang boring moment sa tuwing magkasama sila na tila ba matagal na ang kanilang romantic relationship.

“Sa isang month, meron na kaming tawanan. Meron na kaming tampuhan… lahat meron na,” dagdag nito.

Nabatid na bago pa man ang love month ay nag-bonding na sila sa pamamagitan ng beach getaway, na nasundan pa mismo ng magkasama nilang pagdiriwang ng Valentine’s Day kasama ang two year old son kay John Lloyd Cruz.

Kamakailan lang nang maging kontrobersyal si Ramsay matapos ang paghihiwalay nila ng aktres na si Andrea Torres at na-link sa singer na si Pops Fernandez na mas matanda sa kanya.

Sa panig naman ni Adarna, kabilang sa kanyang mga nakarelasyon bukod kay Lloydie ay ang presidential son na si Baste Duterte.