-- Advertisements --

Nagsama ng puwersa sina DeMar DeRozan na may season-high na 38 points at si Zach LaVine na nagdagdag ng 26 para tambakan ng Chicago Bulls ang Los Angelles Lakers, 121-103.

Maging si Lonzo Ball ay nagpakitang gilas gamit ang season-high 27 points, eight assists at seven rebounds laban sa kanyang dating team.

Ito na ang ikaapat na panalo ng Bulls sa huli nilang limang laro.

Nagawa ring tuldukan ng Bulls (10-4) ang matagal ng eight-game skid sa Lakers na nagsimula noong pang November 2016.

Sa init ng opensa ng kumbinasyon nina DeRozan at LaVine tumipon kaagad sila ng 39 points sa first half sa laro sa Staples Center kasama na ang naipasok nilang pitong 3-pointers.

Samantala, minalas pa si Anthony Davis na kahit naka-20 points at six rebounds ay na-eject pa bago matapos ang third quarter.

Si Russell Westbrook naman ay nagtala ng 25 points.

Nagpadagdag pa sa kamalasan ng Lakers (8-7) ang hindi pa rin paglalaro ni LeBron James.