Balik na muli sa paglalaro si DeMar DeRozan at agad nagbuhos ng 38 points para pangunahan ang panalo ng Chicago Bulls, 115-110, laban sa Los Angeles Lakers.
Mistulang walang kalawang pa rin ang top scorer ng Bulls na nagpakalawa ng 38 points kahit dalawang games na hindi nakapaglaro matapos ilagay sa NBA health and safety protocols.
Dahil dito natuldukan ng team ang dalawang sunod na talo, habang dalawang games din ang na-postpone mula noong Dec. 11.
Nakapag-record na rin ng 18-19 ang Bulls habang ang Lakers ay natigil sa 16-15.
Malaking tulong naman sa panalo ng Chicago sina Nikola Vucevic na may 19 points at 13 rebounds at si Lonzo Ball na umeksena sa 19 points.
Nasayang naman ang ginawa ni LeBron James na may 31 points, Carmelo Anthony na nagtapos sa 21 at si Russell Westbrook ay may 20 kung saan ito na ang ikalawang sunod na talo ng Los Angeles.