MIAMI – Pinigil ng Toronto Raptors ang panibago na naman sanang dagdag na panalo ng Miami Heat nang magtala sila ng come-from-behind win at tambakan pa nila sa score na 101-84.
Naging susi sa rally ng Raptors si DeMar DeRozan na may 40 points, na una niyang nagawa sa kanyang career sa dalawang magkasunod na laro.
Sa kabilang dako halata namang apektado ang laro ni Hassan Whiteside na merong 13 stiches ang kanang kamay.
Sa kabila nito nakapagbuslo pa rin siya ng 16 at 14 rebounds.
Maging ang ginawa niyang dunk ay hindi na tulad sa dati.
Lalo pang lumala ang injury situation nito nang magkaroon ng pilay sa kaliwang tuhod sa huling bahagi ng laro.
Hindi tuloy naitago ni Fil-Am coach Erik Spoelstra ang paghanga kay Whiteside dahil sa sakripisyo sa paglalaro kahit may iniinda.
Ang dalawa pang players na sina Rodney McGruder at Goran Dragic ay merong tig-13 points na sinasabing second-lowest scoring total ngayong season.
Sa ngayon nananatili ang Toronto sa No. 4 spot na may 43-29 record sa Eastern Conference playoff standings, habang ang Miami (35-37) ay nasa No. 8 pa rin o isang game ang kalamangan sa No. 9 na Chicago at sa No. 10 Detroit.