-- Advertisements --
Lilisanin na umano ni NBA superstar Derrick Rose upang magtawid-bakod patungong Detroit Pistons.
Batay sa ulat, pumayag na raw si Rose sa dalawang taong kasunduan na nagkakahalagang $15-milyon.
Sa kanyang 2018-19 season sa Timberwolves, nagrehistro ng average na 18 points, 2.7 rebounds at 4.3 assists si Rose kada laro at nagtala rin ng career-best na 37% mula sa 3-point line.
Pinangalanan bilang NBA MVP ang 30-year-old three-time NBA All-Star noong 2011, kung kailan nasa poder pa ito ng Chicago Bulls.
Ang Pistons, na may 41-41 win-loss record, ay nakapasok sa postseason sa unang pagkakataon buhat noong 2016.