-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Makokonsiderang ploy of politics lamang ang pag-appoint ni Vice President Sara Duterte sa kanyang sarili bilang designated survivor sa mismong araw sa State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Atty. Hillary Olga Reserva, kahit inihayagi ng besi presidente na totoo ang kanyang sinabi ngunit masi-sense na pang-aasar lamang ito sa mundo ng pulitika upang nakuha din ang atensyon ng media at ito’y mapag-usapan.

Dagdag pa ni Atty. Reserva, sounds optics lamang ito ng besi-presidente na taktika upang makagawa ng ingay sa political world lalo na sa media ngunit hindi umano harmful o kaya’y insensitive dahil mas magpapa-init ito sa pulitika lalo na’t nalalapit na ang 2025 midterm elections.