-- Advertisements --

Naaayon sa House Rules ang designation ni Marikina Representative Stella Luz Quimbo bilang acting chairperson ng House Committee on Appropriations.

Ito’y matapos bumaba sa pwesto si dating Appropriations panel chair na si Ako Bicol Rep. Elizaldy Co dahil sa isyung kalusugan.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco ito ay nakasaad sa Rule IX-The Committees partikular ang Section 32 on Vacancy and Succession ng Rules ng House of Representatives ng 19th Congress.

Partikular na tinukoy ni Sec. Gen. Velasco na in cae sa absence o temporary incapacity ng committee chairperson ang highest ranking vice chairperson o sinumang miyembro na susunod sa ranking ay otomatikong mag assume sa duties ng chairperson hanggang sa bumalik ito sa trabaho.

Sa kasong vacancy sa position ng committee chairperson ang next in succession sa committee list ang siyang mag assume sa nabakanteng pwesto.

Kaya ang designation ni Rep. Quimbo bilang Officer-incharge (OIC) chairperson ng House Appropriations Committee ay naaayon sa house rules.

Bilang OIC ng Appropriations panel chair gagampanan ni Quimbo ang functions ng chairperson.

Dagdag pa ni Velasco na ang designation ni Quimbo ay para matiyak na hindi magkaroon ng interruptions sa operasyon ng komite.

SInabi ni Velasco na dadaan sa plenaryo ang pagtatalaga ng bagong chairman sa isang komite.