Nakumpleto na ang 33% ng multi-bilyong peso na Metro Manila Subway Project mula sa desinyo at procurement ng mga equipment.
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Railways Cesar Chavez na bagamat halos malapit ng matapos ang desinyo at procurement, ang aktwal na kontruksiyon ng subway ay nasa 5.6% pa lamang.
Kabilang dito ang konstruksiyon ng apat na istasyon mula Valenzuela hanggang North Avenue.
Inaasahan ayon kay Chavez na bago mag-Pasko makukumpleto na ang kontruksiyon sa mga istasyon mula Valenzuela patungong panulukan ng Quirino.
Samantala, nananatili pa rin sa ilang isyu sa ilang lugar ang right of way kung saan ilang home owners na naninirahan sa ibabaw ng ginagawang subway mula sa barangay sa Quezon city ang nagpahayag ng kanilang pagkabahala sa maaaring epekto ng proyekto sa kanilang tirahan.
Subalit paliwanag naman ng DOTr na kapag nilagyan ng riles ay mas tumatatag aniya ang pundasyon ng bahay dahil natiyak na walang sink hole at napapagtibay ng tunnel ang lupa.
Ang Metro Manila Subway na tinaguriang Project of the Century ng pamahalaan ay mayroong 17 operasyon sa capital region.
Kung saan inaasahang mapapaikli nito ang oras ng biyahe sa pagitan ng Valenzuela city at Ninoy Aquino International Airport Terminal (NAIA) sa 41 minuto na lamang mula sa kasalukuyang isang oras at 10 minuto na kayang magsakay ng tinatayang 519, 0000 pasahero kada araw.