Naniniwala si House Ways and Means Chairman at Albay Representative Joey Salceda na ang desisyon ng Comission on Election (Comelec) na maglabas ng withdrawal form para sa Peoples Initiative (PI) ay makakatulong para makapag pokus ang Kamara sa pag apruba sa Resolution of Both Houses No. 6 na layong amyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution.
Sinabi ni Salceda na ang withdrawal ay nasa mga proponent at ang pagtanggap ay nasa COMELEC.
Si Salceda ay kilalang sumusuporta sa peoples initiative.
Dagdag pa ni Salceda na ang mga tanong hinggil sa motibo o ang pinagmulan ng Peoples Initiative ay hindi na magagamit bilang dahilan mula sa isang simpleng katotohanan na nais buksan.
Magugunita na nuong nakaraang linggo, pumayag si Senate President Juan Miguel Zubiri na magtulungan nang propesyonal at itigil ang word war sa pagitan ng dalawang kapulungan ng Kongreso dahil sa kontrobersyal na people’s initiative.
Ang mga pagsisikap na amyendahan ang konstitusyon sa pamamagitan ng people’s initiative ay naging kontrobersyal matapos ibunyag ng ilang mambabatas na ang publiko ay nasuhulan o pinangakuan ng tulong ng gobyerno kapalit ng kanilang mga lagda.
Hangad ni Salceda na na mapapabilis na ang talakayan ng Senado tungkol sa Charter Change.
Ipinunto din ng ekonomistang mambabatas na ang Kamara ay isang tagasuporta lamang, hindi nagpasimula ng pagsisikap, Kaya, ang mga tagapagtaguyod ay magkakaroon ng kanilang paraan.