-- Advertisements --

Ikinalugod ni dating Health Secretary at ngayo’y Deputy Majority Leader at Iloilo Representative Janette Garin sa naging desisyon ng Department of Justice (DOJ) na i-withdraw ang mga kaso sa korte hinggil sa kontrobersiyal na isyu kaugnay sa dengvaxia.

Sa isang panayam sinabi ni Garin na natutuwa sila sa nasabing desisyon at sana masama na rin ang mga scientist o health experts na talagang lubhang naapektuhan sa nasabing kontrobersiya.

Sa kabila nito tuloy pa rin ang laban dahil may mga nakabinbin pang kaso.

Giit ni Garin masyadong masakit isipin na pinolitika ang kasulugan at nadamat ang maraming health experts.

Ibinahagi ni Garin nasa 158 criminal cases, 32 civil cases ang inihain laban sa kanila at dalawa dito ang pending sa ngayon sa SandiganBayan partikular sa Office of the Ombudsman at pare-pareho ang context ng mga reklamo.

Ayon sa Kongresista walong kaso ang agad na nadismiss dahil napatunayan na hindi nabakunahan ng dengvaxia ang mga bata.

Nanawagan naman si Garin na sana itigil na ang paglihis sa totoong isyu at huwag paasahin ang mga magulang ng mga bata na may matatanggap silang claims.

Sinabi rin ni Garin na nakikisimpatiya siya sa mga magulang na namatayan dahil sa Dengvaxia, aniya naiintindihan niya dahil kaniy din ito naramdaman nuong pumanaw ang kaniyang ama nuong kasagsagan na siya ay binabatikos at tinutuligsa kaugnay sa dengvaxia.