-- Advertisements --
Umaasa si Senador Sherwin Gatchalian na mapananatili ang pagtigil ng armadong pakikibaka upang makamit ang pag-unlad na magbebenepisyo na komunidad lalo na ang mga lalawigan na kadalasang apektado ng kaguluhan.
Ayon sa Senador, malaking hakbang para sa pagsusulong ng kapayapaan ang desisyon ng gobyerno at National Democratic Front na tapusin na ang armed conflict sa bansa.
Masasalamin anya sa desisyong ito ang pagbibigay prayoridad sa diplomasya at pagtiyak ng pag-unawa at kooperasyon.
Aminado naman si Gatchaian na kailangan ng whole-of-government approach para maisulong ang economic development.
Ang makabuluhang hakbang na ito aniya ay patunay ng dedikasyon ng parehong panig sa kapakanan at kaunlaran ng mamamayang Pilipino.