-- Advertisements --
Wasto umano ang naging desisyon ng gobyerno na huwag nang makipag-usap sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).
Ito ang binigyang-diin ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na wala na raw saysay na kausapin pa ang komunistang grupo dahil wala naman silang balak na magbaba ng armas.
Sinabi ng kalihim na magkasalungat ang layunin ng gobyerno at CPP-NPA kaya mas mabuti na huwag na lamang makipag-usap.
Pabor din si Lorenzana sa localized peace talks sa iba’t ibang unit ng makakaliwang hanay.