Welcome para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ang naging desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng aktibista at dating Bayan Muna representative na si Siegfred Deduro.
Ito ay matapos na baliktarin at ibasura ng Supreme Court En Banc ang kautusan ng Iloilo Regional Trial Court hinggil sa inihaing petisyon ni Deduro na writ of amparo laban kay Major General Eric Vinoya na commanding officer ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army.
Sa isang statement sinabi ni NTF-ELCAC Executive Director at Undersecretary Ernesto Torres Jr. na ang hakbang na ito ng Kataas-taasang Hukom sa nasabing kaso ay magbibigay ng oportunidad sa lahat ng panig na may kaugnayan dito para makapaglabas ng mga ebidensya para sa isan Paras na prosekusyon at pagpapatupad ng rule of law.
Giit ni Torres, sa kasalukuyan ay wala pang ginagawang categorical ruling ang Mataas na Hukuman sa mga merito ng writ of amparo na ipinagkaloob kay Deduro dahil hindi pa aniya nasusuri ng maigi ng Regional Trial Court ang relevance at consistency ng mga ebidensya ng magkabilang panig.
Aniya, kinikilala ng Task Force ang kahalagahan ng pagkakaroon ng summary hearing sa RTC ukol dito upang matiyak ang masusing pagsusuri sa mga claim ng petitioner at maging sa depensa ng mga respondents sa kaso.