-- Advertisements --
Ceres vallacar transit
Ceres Bus

BACOLOD CITY – Inaasahang lalabas na anumang araw ang desisyon ng korte may kinalaman sa kaso na isinampa laban sa pag-upo ni Roy Yanson bilang presidente ng Yanson Group of Bus Companies matapos na kanilang kinudeta ang bunso na si Leo Rey.

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod sa ina na si Olivia Villaflores Yanson, dumulog sila sa korte upang humingi ng injunction at mapigil ang iligal na pag-upo ni Roy.

Pinayuhan naman nito ang kanyang apat na anak na sina Roy, Ma. Celina, Emily at Ricardo Yanson Jr. na huwag magmadali kundi hintayin ang desisyon ng korte sa hinihinging injunction.

Aminado ang inang Yanson na kaya pa sanang pag-usapan ang problema dahil nakakapagod mag-file ng kaso sa korte, ngunit kung ayaw ng kanyang apat na anak ng payapa na paraan, pwede rin silang humingi ng remedyo sa korte.

Habang wala pa ang desisyon ayon kay OVY, dapat tigilan ng kanyang mga anak ang pagtake-over kagaya ng ginawa nila nakaraang araw na pagdis-arma sa mga guwardiya sa Barangay Mansilingan, Bacolod City na hanggang sa ngayon ay hindi pa alam kung saan nila dinala ang mga armas.