Kinatigan ng Court of Appeals (CA) ang una nang desisyon ng Makati City Regional Trial Court (RTC) na hatulan ng guilty at sentensiyahan ng parusang pagkakakulong na mahigit 455 taon ang tinaguriang pyramiding scam queen na si Rose Baladjay at asawa nito.
Sa 15 pahinang desisyon, ibinasura ng CA Special 17th Division ang apela ni Rosario na baligtarin ang ruling ng Makati RTC Branch 56 noong November 2015.
Ang mag-asawang Baladjay ang may-ari ng Multinational Telecoms Investors Corp na sangkot sa pyramiding scam.
Sa nasabing pasya ng Makati court, pinatawan ang mag-asawang Saturnino at RosE ng pitong taong pagkakabilanggo sa bawat 65 counts ng paglabag sa Securities Regulation Code o katumbas ng 455 taon.
Inatasan din ang mga Baladjay na bayaran ng kabuuang P8 million ang mga complainant.
Ayon sa appellate court, napatunayan ng prosekusyon ang pananagutan ng akusado.