Walang assurance o katiyakan na magiging patas ang desisyon ng mga hukom sa paglilitis sa impeachment court, ayon kay Senate Minority Leader Koko Pimentel.
Kaugnay na rin ito sa nilulutong impeachment complaint sa Kamara laban kay Vice President Sara Duterte dahil sa dahil sa umano’y betrayal of public trust, bribery at iba pang matataas na krimen tulad ng plunder.
Ayon sa minority leader, nasa taumbayan ang katiyakan kaya’t dapat na maging mapagmatyag at interesado ang publiko sa isasagawang impeachment trial.
Paliwanag ng senador, kung hindi interesado ang taumbayan pwede ng gawin ng mga senator judges ang kanilang gawin.
Maaari rin sila aniyang maging hukom at makapagkomento ng kanilang sarili kung guilty o hindi ang nirereklamo.
Ngunit kung ano man aniya ang mapagpasyahan ng mga senador ay dapat din aniyang galangin ito ng taumbayan.
Kung hindi sila pabor sa desisyon ng senador ay pwede naman daw silang singilin sa susunod na halalan.
samantala, desisyon naman daw ng kada senator judge kung papaano ang kanilang magiging pasya sa impeached official.
Political process ito aniya kung saan maaari naman silang magpa-survey sa taumbayan.
Ngunit para kay Pimentel, pagbabasehan niya ang kanyang magiging desisyon o pasya sa ebidensya.