-- Advertisements --

Inaasahang makatutulong ang desisyon ng National Assembly na i-impeach si Pangulong Yoon Suk Yeol sa pag-alis ng uncertainties na tumama sa financial at foreign exchange markets buhat ng ideklara ang martial law sa South Korea, ayon sa isang eksperto. 

Ipinasa ng mga mambabatas ang mosyon para tanggalin si Yoon sa pwesto sa isang 204-85 na boto nitong Sabado kasunod ng kanyang panandaliang deklarasyon ng martial law noong Disyembre 3.

Ayon kay Lee Kyung-min, isang eksperto mula sa Daishin Securities, ngayong naipasa na ang impeachment motion, inaasahang magiging matatag ang market dahil nabawasan ang  ilang uncertainties mula sa politika. 

Kasunod ng deklarasyon ng martial law, ang stock market ay bumagsak sa yearly low at ang Korean won ay bumagsak nang husto sa mas mababa sa 1,400 won laban sa U.S. dollar.

Halos nakarekober ang stock market matapos mangako ang mga financial authorities na mag-inject ng unlimited liquidity at magpatupad ng mga karagdagang hakbang sa mabilis na paraan, kung kinakailangan.