-- Advertisements --

Inaasahan ng Sandiganbayan Third Division na mailalabas na sa buwan ng Mayo ang desisyon nito hinggil sa P172-million plunder at 15 counts of graft charges laban kay chief presidential legal counsel and former Senate President Juan Ponce Enrile.

Kasama rin sa ilalabas na desisyon ng naturang anti- graft court ang dating chief-of-staff ni Enrile na si Jessica “Gigi” Reyes at Pork Barrel Queen Janet Napoles at iba pang sangkot sa naturang scam.

Kinumpirma ito ni Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang sa mga kawani ng Media.

Nag-ugat ang kasong ito sa umanoy maling paggamit ni Enrile ng kanyang discretionary fund or Priority Development Assistance Fund.

Una nang sinabi ni Gigi Reyes na wala siyang kapangyarihan sa lahat ng transaction ni Enrile hinggil sa kanyang PDAF.

Ginawa ni Reyes ang tugon nang tanungin ng mga government prosecutors   kung bakit hindi niya hiniling sa noo’ySenate leader  na bawiin ang kumpirmasyon nito sa kanyang pirma sa mga liham na nag-eendorso sa mga entity na pag-aari ni Napoles bilang mga implementing agencies ng PDAF ni Enrile.