BUTUAN CITY – Magpa-file ng motion for reconsideration ang transport group na Bayyo Association, Inc. laban sa desisyon ng Korte Suprema na nagbasura sa kanilang petisyon na i-nullify ang public utility vehicle o PUV modernization program sa rasong pglabag umano ito sa traditional jeepneys.
Napag-alaman na ang Bayyo Association, Inc. ay may 430 mga jeepney operators ug drivers na nag-o-operate sa iba’t ibang ruta sa Metro Manila.
Sa eksklusibong interview ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Sonny Matula, presidente ng Federation of Free Workers, na napag-usapan nila Bayyo Association, Inc. President Anselmo Perweg, ang desisyon ng Korte Suprema na paglabag umano sa kanilang karapatan matapos nakasaad sa desisyon na wala umanong legal peronality ang Bayyo upang kwestyunon ang regulasyon ng Department of Transportation o DOTr sa rasong hindi umano sila apektado sa nasabing programa na mariin namang pinabula-anan ng grupo.
Matatandaang iginiit ng mga transport groups na hindi kaya ng mga jeepney operators at drivers ang bayarin para sa gagamiting modern jeepney dahil sa sobrang mahal nito na syang magiging dahilan umano na mawalan sila ng pagkabuhayan.