-- Advertisements --

DAVAO CITY – Mas mabuti hayaan na lamang ang mga Pilipino na magdesisyon sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kakandidato ito bilang Bise Presidente sa susunod na 2022 National and Local election.

Itoa ang poahayag ng isang dean sa isang College of Law sa lungsod patungkol sa deklarasyon ng Pangulo.

Sa panayam ng Bomboradyo kay Atty. Israelito Torreon, dean ng Jose Maria College of Law, na nakasulat lang sa constitution na hindi maaaring magpa re-elect sa parehong posisyon ang Pangulo kung matatapos na ang kanyang termino.

Dagdag pa ng abugado, walang express prohibition ang konstitusyon dahilan na hindi dapat pigila si Pangulong Duterte na tatakbo bilang Bise Presidente.

Sa halip umano na kuwestiyunin ang desisyon ng Pangulo hayaan na lamang umano ang mga tao na magdesisyon sa darating na eleksiyon.

Samantalang nilinaw rin ng abogado ang alegasyon na kakandidato lamang ang Pangulo para sa immunity ng kaso na isinampa laban sa kanya.

Sinabi ni Torreon na malinaw sa batas na tanging pangulo lamang ang may “immunity” laban sa mga kaso na isinampa dahilan na hindi ito ang rason ng pangulo sa kanyang desisyon na kakandidato bilang bise Presidente ng bansa.