-- Advertisements --

Suportado ng pamunuan ng House of Representatives ang naging desisyon ni Pang. Ferdinand Marcos na rebyuhin at i-delay ang paglagda sa 2025 General Appropriations Bill.

Ayon kay House Appropriations Committee Chairman Zaldy Co nirerespeto ng Kamara ang desisyon ng Punong Ehekutibo na isailalim sa metikulosong pag rebyu sa provisions na naka paloob sa General Appropriations Bill.

Ayon kay Co, naintindihan nila si Pangulong Marcos, ito ay dahil sa kaniyang commitment na matiyak ang national budget na naka linya sa prayoridad ng kaniyang administrasyon.

Dagdag pa ni Co na kapuri-puri ang ginawa ng Pangulo.

Aniya ang desisyon ng Pangulo na ipagpaliban ang pagsasabatas ng badyet ay patunay ito ng kanyang dedikasyon sa transparency at pananagutan.

Sinabi ni Rep. Co. Sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa panukalang P6.352-trillion budget, layunin ng administrasyon na matiyak na mahusay at responsable ang paglalaan ng pondo ng publiko.

Binigyang-diin ni Rep. Co ang kahandaan ng Kongreso na higit pang makipagtulungan sa proseso ng pagsusuri ng Malacanang.

Siniguro ni Co na nakahanda ang Kamara na magtrabaho kasama ng Pangulo upang pinuhin ang badyet para sa interes ng Pilipino.