Inaasahang mailalabas na pagkatapos ng eleksiyo sa araw ng Martes, Mayo 10 ang desisyon sa disqualification case na inihain laban kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, nalagdaan na ang ruling sa tatlong consolidated cases.
Napagdesisyunan aniya na antayin ang promulgation sa ikaapat na kaso na katatanggap lamang ng en banc noong gabi ng huwebes upang sa gayon ay minsanan na ang paglalabas ng desisyon.
Nauna ng sinabi ng Comelec official na nakapirma na ang limang commissioners ng resolution habang nasa dalawa pa ang magpipirma pa kabilang si Pangarungan.
Ang mga petitions na ito laban sa dating Senador ay magkahiwalay na inihain ng leader ng Akbayan party-list, Partido federal ng Pilipinas, Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law (CARMMA) at Pudno Nga Ilokano (Ang Totoong Ilokano) na humihiling sa Comelec en banc na irekonsidera ang desisyon ng Comelec dicvision na ibasura ang disqualification case laban kay Marcos Jr.
Maaalala na noong Abril 20, ibinasura ng Comelec First Division ang final disqualification case laban kay Marcos Jr dahil sa lack of merit.
Tiniyak naman ni Comelec Commissioner George Garci sa publiko n alahat ng kaso ay marersolba