-- Advertisements --
IMG 20190503 163117

Hinihintay ng National Bureau of Investigation (NBI) kung ilalabas na ngayong araw ng Department of Justice (DoJ) ang desisyon sa
reklamo laban kay Rodel Jayme na gumawa ng website kung saan inapload ang “Bikoy video” na nagdadawit kay Pangulong Rodrigo Duterte sa illegal drug trade.

Ito ay dahil idineklara ni Senior Assistant State Prosecutor Ana Noreen Devanadera noong Biyernes na submitted for resolution na ang kasong inciting to sedition.

Ipinaliwanag ni Devanadera na hindi kasi naghain ng counter affidavit si Jayme kaya hindi na siya isasalang sa preliminary investigation.

Matutukoy sa ilalabas na DoJ resolution kung ibabasura ba ang reklamo ng NBI o kung irerekomenda ba na isampa na sa korte ang kaso ni Jayme.

Magugunitang sa nasabing video ay inakusahan ni Bikoy ang ilang miyembro ng pamilya ni Pangulong Duterte na protektor umano sa kalakaran ng iligal ng droga.

Sa ngayon, nasa kustodiya pa rin ng NBI sa Jayme.