Hinimok ng isang petitioner sa isa sa disqualification case na inihain laban sa presidential aspirant na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Commission on Elections (Comelec) na madaliin na ang pagdedesisyon sa nabinbing motion for reconsideration nagyaong 49 na araw na lamang bago ang halalan sa Mayo 9.
Sa isang sulat na isinumite sa Comelec na may lagda nina Akbayan Party-list nominees Percival CendaƱa at Raymond John Naguit, sinabi ng grupo na nararapat lamang na magisyu an poll body ng ruling nito dahil hindi lamang ito hinggil sa isang kndidato dahil nakasalalay din dito abf kalalabasan ng eleksiyon at magdedetermina ng kinabuksan ng ating bayan.
Dapat na aniyang maresolba ang naturang isyu dahil maaaring maagaw nito ang kakayahan ng maraming mga Pilipino na pumili mula sa tunay at kwalipikadong mga kandidato.
Naniniwala ang mga petitioner na walang dahilan para maantala ang ruling dahil kompleto na aniya ang seven-man panel en banc ng Comelec.
Muling giniit ng grupo sa paninidigang convicted si Marcos sa tax evasion habang ito ay nagsisilbi bilang Gobernador ng ilocos. Ang kaparusahan aniya para sa kaniyang krimen ay makinaw na nagpapatunay na dapat siyang madiskwalipika sa paghawak ng posisyon sa gobyerno.
Ayon pa sa grupo, responsibilidad ng Comelec na tiyaking tanging ang mga kwalipikdong kandidato lamang ang papayagang tumakbo para sa pinakamataas na posisyon sa bansa.
Nauna na ngang ibinasura ng First Division ng Comelec ang petisyon ng Akbayan par sa disqualification case laban kay Marcos dahil sa kawalan ng merit.