Ngayong linggo ang pirmadong desisyon ni PNP Chief chief Ogen Rommel Francisco marbil hinggil sa rekomendasyon ng PNP-FEO na bawiin ang License to Own and Possess Firearms ni Pastor Apollo Quiboloy.
Batay pa rin ito sa patong-patong na kasong kinakaharap ni Quiboloy sa isang capital offense.
Kasabay nito ay Mas pinalawak na ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa ang ikinakasang nitong manhunt operation para kay Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon kay PNP Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo, sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang kanilang ginagawang validation sa pangunguna ang tacker teams ng kapulisan para sa mga impormasyon tungkol sa posibleng lokasyon ni Quiboloy at isa pang akusado.
Kasabay nito ay nagpahayag din ng kumpiyansa si Col. Fajardo na nasa loob parin ng bansa si Quiboloy at iba pang akusado batay na rin sa mga impormasyong kanilang nakalap sa pakikipag ugnayan sa Bureau of Immigration.
kyng maaalala. si Quiboloy ay may 3 arrest warrant para sa kasong child at sexual abuse na inilabas ng Davao City Regional Trial Court, at para sa kasong Human trafficking na inisyu ng Pasig City Court.