BOMBO DAGUPAN – Ikinaalarma ng isang political analyst ang desisyong pagbasura ng Sandigang bayan sa kasong ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.
Ayon kay Michael Henry Yusingco, matagal ng nakabinbin ang kasong ito ngunit kaniyang ikipanangamba kung bakit ngayon lamang ito madi-dismiss sa kadahilang kulang ang ebedensiyang inilatag ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) sa panahon pa kung kailan isang Marcos ang nakaupo bilang Presidente ng Pilipinas.
Kung mayroon aniyang maaaring sisihin dito, iyon ay ang PCGG dahil tungkulin nilang maglatag ng mga ebedensiya sa hurado dahil ang tungkulin lamang ng Sandigang bayan ay suriin ang inilalatag sa kanilang ebedensiya.
Ani Yusingco, dahil na rin siguro sa dami ng mga kasong naipapaabot sa Sandigang bayan, marahil ay natabunan na ang ill-gotten wealth ng pamilya Marcos ngunit hindi dapat ito maging sapat na dahilan upang ibasura ang naturang kaso dahil taumbayan ang lugi rito.
Dagdag pa nito na kung sakaling sa panahon ng administrasyon ng dating Pangulong Noynoy Aquino na-dismiss ang naturang kaso ay maaari itong madismiss ng walang prejudice, ibig sabihin aniya ay mabibigyan pa ng pagkakataon ang pamahalaan upang makahanap ng ebidensya kung maaga lang sana kumilos ang mga ito.
Ngunit pagbawi naman ni Yusingco ay malabo itong mangyari dahil tatlong dekada na ang nakalipas kaya’t imposible aniyang makahanap pa ng bagong ebidensiya dahil baka wala na rin sa mundo ang mga testigo at marahil may mga dokumento na ring nawala na magbibigay kalinawan sa naturang isyu.
Samantala kaugnay naman sa selebrasyon ngayong ng EDSA People Power Revolution, binigyang-diin ni Yusingco na ang pag-alala rito ay nakasentro sa taumabayan at hindi sa awayan sa pagitan ng Marcos at Aquino kaya maiitindihan aniya kung hindi ito pahintulunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil nagdulot ito ng pighati sa kaniyang pamilya.
Ngunit kung talagang may pakialam nga talaga ang Pangulo sa mga mamamayang Pilipino ay isasantabi nito ang pansariling damdamin at rerespetuhin na lamang ang mga itong gunitain ang EDSA People Power Revolution kung kailan nakondena ang mga ito ng masamang sistema.
Sa ngayon ay mas matimbang parin para sa kaniya kung nananatili pa rin sa mga Pilipino ang pagpapahalaga ng naturang rebolusyon at kung naaalala pa ba ng mga ito ang tunay na kahulugan ng rebolusyon.