Wala na umanong makakabago pa sa ngayon sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-terminate ang Visiting Forces Agreement (VFA).
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito ang nagpasyahan ni Pangulong Duterte at direksyong tatahakin sa kabila ng pagtutol dito ng ilang miyembro ng gabinete gaya nina Foreign Affairs Sec. Teddyboy Locsin at Defense Sec. Delfin Lorenzana.
Ayon kay Panelo, aasahang bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte maisasakatuparan ang VFA termination.
Nanindigan din si Sec. Panelo na pwedeng Executive Department lamang ang magbasura sa VFA at hindi na kailangan ang concurrence ng Senado.
Magugunitang pinagtibay ng Senado ang VFA noong 1995 at sinasabi ng mga senador na dapat Senado rin ang mapapawalang-bisa sa kasunduan.