KORONADAL CITY – Mas hinigpitan pa sa ngayon ang seguridad sa mga detachments ng Citizen Armed Force Geographical Unit (Cafgu) sa bayan ng Arakan, North Cotabato.
Ito’y kasunod ng nangyaring umanong pag-atake ng rebeldeng New People’s Army sa isang Cafgu detachment sa Sitio Katindo, Barangay Malibatuan sa nasabing bayan.
Kaugnay nito, ipinahanay ni P/Cpt. Jose Mari Molina, hepe ng Arakan PNP na walang naitalang sugatan sa mga miyembro ng Cafgu na naka-standby sa nasabing detachment.
Kinumpirma din ng opisyal na nakabalik na sa kani-kanilang tahanan ang mga residente sa lugar matapos lumikas dahil sa takot na maipit sa gulo matapos ang halos 15 minutong pag-atake.
Samantala, posible umanong diversionary attack lamang ng kalaban ang nasabing pag-atake dahilan upang mas pina-igting din ng PNP ang lahat ng entry at exit points sa bayan.
Sa ngayon, patuloy pa nga inaalam ng PNP at AFP kung may mga casualty sa panig ng NPA at kung anong armas ang ginamit ng mga ito sa nasabing pagsalakay.