-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagpapatuloy sa ngayon ang hot pusuit operation ng mga otoridad sa nangyaring pamamaril-patay sa tatalong mga kasapi ng CAFGU habang sugatan naman ang dalawa pang kasamahan ng mga ito sa ginawang pag-atake ng mga armadong grupo sa National Highway,Brgy.Edcor sa bayan ng Buldon Maguindanao Del Norte.

Ito ang inihayag ni PMaj. Regie Abellera, provincial information officer ng Maguindanao PNP sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Abellera, dead on the spot ang tatlong (3) mga biktima na kinilalang sina Christian Silvestre, Ignacio Lozad at Dondon Ahito, habang sugatan naman ang mga kasama nilang sina Arnel Cayanan at isang Calbert Baggay na kapwa mga residente ng nabanggit na lugar.
Lumabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na sakay ang mga suspek ng isang single motor ng pinaulanan ng bala ng mga suspek ang mga biktima ata agad na tumakas.

Sa ngayon, patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng mga otoridad laban sa posibleng pagsalakay muli ng mga armado.

Siniguro din ng mga ito na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga biktima.

Kasabay nito, mahigpit din na kinondena ng 6thID,Phil Army ang nangyaring pagpatay sa mga kasapi ng CAFGU.