-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nagsilikas ang mga sibilyan sa pagsalakay ng mga armadong grupo sa kampo ng militar sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon sa ulat ng 601st Brigade, pinaputukan ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang detachment ng mga sundalo sa Brgy. Uno, bayan ng Datu Piang.

Agad namang gumanti ang militar laban sa mga rebelde at tumagal ng kalahating oras ang palitan ng bala sa magkabilang panig.

Dahil sa takot ng mga sibilyan ay lumikas ito patungo sa mga ligtas na lugar.

Umatras naman ang BIFF nang paputukan sila ng mga sundalo gamit ang 81 mm mortar.

Walang nasawi o nasugatan sa mga sundalo habang hindi matiyak sa mga terorista.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang combat clearing operation ng militar laban sa BIFF sa Datu Piang.