-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Pinaputukan ng mga armadong kalalakihan ang detachment ng Philippine Marines kagabi sa Barangay Kalanganan sa Cotabato City.
Gumanti naman ang mga sundalo ng putok na tumagal ng ilang minuto gamit ang mga matataas na uri ng armas.
Nabulahaw at nagdulot ng takot sa mga sibilyan ang nangyaring putukan.
Naglibot ang dalawang armored personnel carrier ng Philippine marines sa town proper para masiguro ang seguridad ng mga sibilyan.
Sa ngayon ay hindi pa matiyak kung may nasugatan at nasawi sa naturang pangyayari.